Subukan ang Bagong Tambayan App: Maging Beta Tester!
Mga kabayan! Ginagawa na nating isang ganap na Android app ang ating website. Ang Tambayan App ay direktang magbubukas ng filipinoaussietambayan.com sa inyong phone, parang tunay na application.
Bago natin ito ilabas sa Google Play Store, kailangan namin ng 12 hanggang 20 testers na gagamit ng app sa loob ng 14 na araw.
Sino ang Puwedeng Sumali?
- May Android phone at may Google account o Gmail.
- Bumibisita sa filipinoaussietambayan.com.
- May kaunting oras para buksan ang app at tingnan kung mabilis at maayos ang takbo nito.
Ano ang Gagawin ng Tester?
- Ibigay ang inyong Gmail para mailista kayo bilang tester.
- I-download at i-install ang app gamit ang pribadong link na ipapadala namin.
- Gamitin ang app tulad ng normal: magbasa ng gabay, mag-compute, o mag-review.
- Mag-ulat kung may naranasang bagal, crash, o error.
Bakit Sumali?
- Kayo ang unang makakagamit ng opisyal na Tambayan App.
- Makatutulong kayo sa pagbuo ng sariling online tahanan ng mga Pinoy sa Australia.
- Libre ang pagsali. Walang bayad, walang sapilitan.
Paano Sumali?
Limitado ang slots para sa closed test na ito. Punan ang form sa ibaba ng inyong pangalan, Gmail na gamit ninyo sa Google Play, at concern:
O mag-email sa dship2001 [at] gmail [dot] com (palitan ang [at] ng @ at [dot] ng tuldok).
Gagamitin lang namin ang inyong email para sa tester list. Hindi ito gagamitin sa ads o ipamimigay kahit kanino.
Pag nailista na kayo, ipapadala namin ang pribadong download link at simpleng instructions.
Maraming salamat sa walang sawang suporta sa ating tahanan sa internet!