🇵🇭🤝🇦🇺 Ang Opisyal na Tahanan at Tambayan ng mga Pilipino sa Australia

Equity Calculator: Magkano ang Magagamit Mo?

Magkano ang Magagamit Mong Equity?

“Akala mo wala ka nang pera – baka natutulog lang pala sa bahay mo.”

I-slide ayon sa bahay mo. Estimate lang ito, hindi offer ng bangko.

Madalas na Trap ng Kabayan:
Akala: halaga ng bahay MINUS utang = magagamit agad pang-deposit sa second house.
Totoo: ang magagamit lang ay 80% ng halaga MINUS utang (usable equity). Mas maliit ito sa inaasahan – kaya maraming nagkukulang sa deposit at nabibigla sa LMI at bayarin.
“Hindi porket may equity ka, gastusin mo na – bilangin muna!”
Total Equity (bahay minus utang)$360,000
80% ng halaga ng bahay$640,000
Usable Equity Mo
$200,000

Bakit 80% Lang at Hindi 100%?

1. Panangga ng bangko sa pagbagsak ng presyo – pag bumaba ang halaga ng bahay, may buffer pa rin sila at hindi ka agad negative equity.
2. Iwas LMI (insurance na IKAW ang magbabayad) – lampas 80% ang utang, sisingilin ka ng Lenders Mortgage Insurance na libo-libo – dagdag gastos na walang balik sayo.
3. Patunay na kaya mong magbayad – pag may 20% kang natitira, kampante ang bangko na hindi ka mababaon.
“Ang 20% na hindi mo magalaw – yan ang helmet mo. Masakit isipin, pero yan ang nagliligtas sayo.”

General information lang ito, hindi financial advice. Iba-iba ang patakaran ng bawat bangko. Kumonsulta sa licensed mortgage broker o financial adviser bago magdesisyon. – Trinity, Co-founder